What is CCNA or Cisco Certified Network Associate?
Kung ikaw ay isang I.T, hindi na siguro lingid sa iyong kaalaman at siguro ay familiar ka na kung ano ang CCNA. Pero para sa mga baguhan, para sa mga magshi-shift ng career to I.T at para na rin sa mga fresh graduates na hindi nakaka-alam or hindi pa familiar, ito ay para sa inyo.
What is CCNA?
Ang CCNA or Cisco Certified Network Associate ay isa sa mga certification na ino-offer ni Cisco para sa mga entry-level or beginner sa networking. Ang CCNA certification din ay pwedeng magsilbing katibayan at batayan na nakaka-intindi at nakaka-unawa ang isang I.T person ng basic at foundation ng networking specifically the foundation of Cisco technologies.
Ito ang certification na nababagay kunin kung bago ka pa lamang magsisimula sa iyong computer networking career. Dito mo matututunan ang mga basic at fundamentals ng networking at ng Cisco technology. Kung pano gumana, ioptimize, itroubleshoot at imaintain ang isang network at mga Cisco devices.
Si Cisco or ang Cisco Systems Inc. ay ang pinaka-malaking company na nagbebenta or nagmamanufacture ng mga networking devices and other technologies related to computer networking. At ang mga certification programs nila (kagaya ng CCNA), ang isa sa mga ways para mas matutunan natin kung pano isusupport ang kanilang product and technologies.
Bukod sa CCNA marami pang mga certification programs si Cisco kagaya ng CCENT (Cisco Certified Entry Level), CCNP (Cisco Certified Network Professional) at CCIE (Cisco Certified Internetwork Expert). At ang mga ito ay may kanya-kanya pang specialization. Ang blog na ito ay magfofocus sa basic and foundation level ng CCNA(Routing and Switching).
Meron din mga ibang company na nagbebenta at gumagawa ng mga networking devices and technology at meron din silang kanya kanyang certification programs, pero since this blog is dedicated sa mga Pinoy CCNA, more focus tayo kay CCNA or Cisco.
2 Ways to obtain CCNA certification
Sa ngayon, meron 2 paraan para ikaw ay maging CCNA certifed.
1. Maipasa mo yung ICND1 and ICND2 exam ni Cisco.
Ito yung ICND1 Interconnecting Cisco Networking Devices Part 1 and ICND2 Interconnecting Cisco Networking Devices Part 2 . Ibig sabihin kelangan mong maipasa ang dalawang sets ng exam na ito bago ka ma-certify bilang CCNA. Dahil ito ay entry-level, medyo madali pero mahaba ang mga topics dito.
You will earn CCENT certification kapag naipasa mo ang isa sa mga ICND exams(ICND1), then CCNA kapag pareho mong naipasa. Hindi kailangan na sabay mo silang itake. Pwede mong itake ang ICND2 bago ma-expire ang iyong ICND1 certification. Basta ang requirements, maipasa mo sila pareho.
Ang mga exam numbers nito ay 100-105 ICND1 and 200-105 ICND2. Each exam costs $150 each. Kapag naipasa mo ang 2 exams na ito, ikaw ay isa ng CCNA certified.
2. Pangalawa, maipasa mo yung CCNA composite exam.
Ito yung Interconnecting Cisco Networking Devices: Accelerated (CCNAX). Exam number: 200-125 CCNA. Ang cost ng exam ay $325. Dito naman sa CCNAX, isang exam lang ang kailangan mong maipasa para ma-certify ka bilang CCNA.
Since ito ay associate level na, medyo mas advance and topic at discussion dito kumpara sa ICND. Pero kasama pa rin ang basic at foundations ng networking at Cisco technology.
Para sa akin, ito ang mas practical na way para maging certified. Ito ang inaral at kinuha ko last 2013. You can read my CCNA journey here.
FYI, ang CCNA at iba pang Cisco certification ay nag-eexpire every 3 years. Kelangan mong magtake ulit ng same certification to renew your current certification or take an upper level of certification para ma-renew and then ma-certify to the higher level.
For example, bago ma-expire ang aking CCNA certification, I have the option to take CCNA certification again or take the CCNP certification or pwede rin na other CCNA specialized certification. Kung maipapasa ko ang CCNP or new CCNA exam, automatic ng mare-renew ang aking CCNA certification plus CCNP certified or CCNA xxxx certified na rin ako. At ganun din sa iba pang level.
Okay, so ngayong alam mo na kung ano at pano maging Cisco Certified Network Associate, hopefully meron ka ng idea kung papaano at saan ka magsisimula.
Syempre una, kelangan mo munang mag-aral at maging familiar sa mga basic at fundamentals lalo na kung ikaw nga ay beginner. Ang initial goal mo bilang isang beginner ay maunawaan at maintindihan ang basic at fundamentals. Yun ang mga isshare ko dito sa blog.
Pwede ka ring magself-study or pwede ka rin mag-enroll sa mga CCNA training bootcamp dito sa Pilipinas. Or sa mga regular training institutions at mga malalaking universities dito sa atin. Kahit aling options ang piliin mo sa mga ito, mas ok pa rin na meron ka ng basic at foundation knowledge lalo na kung mag-eenroll ka sa bootcamp.
Hopefully ang blog na ito ay makatulong para kahit papaano ay maunawan at maintindihan mo ang mga basic at foundational knowledge na kailangan mo sa iyong networking career at Cisco career journey.
Hanggang dito na lang muna. Hopefully, natulungan ka ng article na ito.
Please subscribe para mag updated ka sa latest article pati na rin sa mga tips and tutorials dito sa blog. Please share din sa iba para ma-inspire at matulungan din natin sila. Salamat.
No comments:
Post a Comment